Nais kong mawala ka sa aming landas

Ikaw na nagsisilbing salot sa karimlam

Anay na nagpaparupok sa magandang pundasyon

Ahas na nagsasabog ng kamandag


Nais kong hubarin ang iyong maskara

Nais kong mabunyag ang nabubulok mong anyo

Tunay na kasing baho ng isang estero

Na hindi kayang itago ng mamahaling pabango



Nais kong itarak ang punyal ng aking bangis

Nais kong dumaloy ang maitim mong dugo

Upang maidilig sa iyong mga kampon

Nang tuluyan na rin silang maglaho



Isa kang salot, halimaw!

Nararapat lamang na ika'y matupok

Sa apoy na galing sa nilikha mong ningas

Isang patibong na kikitil sa iyong buhay







 

Posted by endemion on March 31, 2009 at 10:20 PM in Silent scream | Add a Comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.